Ayon sa Xinhua News Agency, Huwebes, Disyembre 17, 2015, napalawak na sa Thailand ang experimental unit ng RMB Qualified Foreign Institutional Investors (QRFII). Ang halaga ng pamumuhunang ito ay umabot sa 50 bilyong Yuan, RMB.
Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng People's Bank of China na ang pagpapalawak ng experimental unit ng QRFII sa Thailand ay mahalagang pagpakita ng pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa sa larangang pinansyal. Ito aniya ay makakatulong sa pagpapalawak ng pagbubukas ng capital market ng bansa sa labas, at pagpapasulong ng pagsasaginhawa ng multilateral na kalakalan at pamumuhunan.
Salin: Li Feng