Sa kanyang key note speech sa seremonya ng pagbubukas ng ika-4 na China-South Asia Expo na binuksan nitong Linggo, Hunyo 12, 2016 sa Kunming, kabisera ng lalawigang Yunnan, Tsina, ipinahayag ni Wang Yang, Pangalawang Premyer ng Tsina na ang Tsina ay pangunahing trade partner at pangunahing pinanggagalingan ng pondong dayuhan ng mga bansa sa Timog Asya; ang Timog Asya naman aniya ay pangunahing pamilihan ng nakontratang proyekto ng Tsina sa ibayong dagat. Sinabi ni Wang, na nitong ilang taong nakalipas, sapul nang pasulungin ang "Belt at Road Inisyatibo" na itinataguyod ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa komong pag-unlad, nananatiling masigla at mabunga ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig, sa kabila ng mga negatibong elementong dulot ng krisis na pinansyal ng daigdig. Ani Wang, nagsisikap ang Tsina para pabilisin ang pagtatatag ng economic corridor sa pagitan ng Tsina at Pakistan, at sa pagitan ng Bangledesh, Tsina, India at Myanmar. Positibo aniya ang Tsina sa pakikipagpalitan ng mga kapit-lalawigang Tsinong kinabibilangan ng Yunnan, sa mga bansa ng Timog Asya sa larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, tauhan, at iba pa. Ito aniya ay para patibayin ang bilateral na pundasyong pangkooperasyon ng Tsina at naturang mga bansa sa antas ng estado.
Bumigkas din ng talumpati sa nasabing pagtitipon ang mga counterpart ni Pangalawang Premyer Wang Yang, mula sa Maldive, Nepal, Vietnam, Cambodia, Laos, Liga ng mga bansa ng Timog Asya, at iba pa.