|
||||||||
|
||
Manggagawang bukid sa Hacienda Luisita, umaasang magkakatotoo ang pamamahagi ng lupa
ANG MGA PANAUHIN SA TAPATAN SA ARISTOCRAT. Nasa dulong kanan si Christopher Garcia, ang lider-magsasaka sa Hacienda Luisita, sa kanyang kaliwa si Ateneo de Manila Professor Richard Heydarian, nasa gitna si dating National Security Adviser Norberto Gonzales at nasa gawin kanan niya si dating Senador Francisco S. Tatad. Pinag-usapan ang iba't ibang isyu sa bansa sa palatuntunan kanina. (Raymond Bandril)
NAGHIHINTAY pa rin ang mga magsasakang nagtatrabaho sa loob ng Hacienda Luisita na makatanggap ng kanilang bahagi sa ilalim ng palatuntunang repormang agraryo ng pamahalaan.
Ayon kay Christopher Garcia ng Alyansa ng mga Manggawang Bukid sa Hacienda Luisita, nakatanggap sila ng balitang ang ipinamamahagi ngayon ng pamahalaan ay certified true copy ng mga certificate of land ownership award ng walang pangalan ng benepisyaryo at tanging "fill-in the blanks" ang kalakaran.
Nangangamba sila na magkaproblema sa oras na ilagay na nila ang kanilang pangalan sa CLOA ganoong wala naman ang kanilang pangalan sa sipi ng CLOA sa Department of Agrarian Reform.
Idinagdag pa ni G. Garcia na marapat lamang bigyang pansin ang kanilang kalagayan sa loob ng Hacienda Luisita sapagkat may balak umano ang kumpanya na maglaan pa ng may 1,000 ektarya para sa ibang layunin liban sa pagbubukib.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |