European Union, maglalaan ng salapi para sa mga napinsala ng kaguluhan sa Zamboanga
ANG European Union ay maglalaan ng € 300,000 o P 17 milyon upang tustusan ang non-food supplies at tulungan sa mangagement at paglalaan ng sebisyon sa evacuation at displacement sites sa paligid ng Zamboanga City.
Kabibilangan ang apat na buwang proyekto ng special focus sa pinakaapektadong sektor na magkaroon ng ligtas at maayos na matitirhan at magkaroon ng mga kumot, banig ang kagamitang pangluto.
Ang emergency relief ng European Union ay magbibigay ng temporary shelters sa halos 1,000 pamilya, 21 alternative transitional shelters na ilalagay at 20 kataong support staff na ikakalat sa evacuation centers.
Ayon kay EU Ambassador Guy Ledouz, ang mga sugo ng European Union member states sa Pilipinas ay nagpaabot na ng pagkabahala sa nagaganap ng humanitarian crisis dala ng mga sagupaan sa Zamboanga. Ipinaalala ni Ambassador Ledoux na kailangang igalang ng magkabilang panig ang mga humanitarian organizations na naglilingkod sa mga biktima. Kailangan ding kilalanin ang karapatang pangtao ng lahat at kilalanin ang mga alituntunin at probisyon ng international humanitarian law.
1 2 3 4 5 6