Kahalagahan ng pagpupulong ng lahat sa pagkalat ng HIV/AIDS
PAG-UUSAPAN ng Philippine Catholic HIV and AIDS Network sa darating na ika-7 hanggang ika-9 ng Nobyembre ang maaaring magawa upang matugunan ang paglubha ng mga Pilipinong nagkakaroon ng Human immunodeficiency virus. Umabot na sa 3,154 na Pilipino ang nagkaroon ng karamdaman mula Enero hanggang Agosto ng 2013. Kailangang matugunan ang suliraning ito, ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick S. Pabillo na Chairman ng Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at Caritas Filipinas.
Inanyayahan niya ang mga alagad ng Simbahan na makiisa sa ministry o paglilingkod sa tinaguriang People Living with HIV (PLHIV) sa ikalawang PhilCHAN general assembly sa CBCP – BEC Development Center sa Barangay Asisan, Tagaytay City kung paano matutugunan ang mga isyung pumapaloob sa HIV/AIDS.
Mayroong 40 member-organizations at congregations ang PhilCHAN, ang nagpaanyaya sa mga nasa Catholic ministries tulad ng mga kabataan, OFWs, sex workers, Basic Ecclesial Communities at mga kalalakihang nakikipagtalik sa kapwa lalaki, mahihirap at mga pamilyang naninirahan sa mga lansangan.
1 2 3 4 5 6