|
||||||||
|
||
Epekto ng shutdown, napakaaga pa bago madama
MAY PAG-ASA ANG MGA BPO SA PILIPINAS. Interesado ang mga Amerikano at iba pang mga mangangalakal sa serbisyong ibinibigay ng mga business process outsourcing sa Pilipinas. Ayon kay Jovy Hernandez (may mikropono) lubhang napaka-aga upa upang madama ang shutdown na naganap sa America. Ito rin ang paniniwala ni Grace Castillo ng Globe Telecoms. (Melo Acuna)
NANINIWALA ang mga bumubuo ng Information Technology and Business Processing Association of the Philippines na lubhang napaka-aga pa upang madama ang epekto ng shutdown sa Estados Unidos.
Bagama't halos 70% ng mga kliyente nila ay mula sa Amerika, mas maraming mga kumpanyang nakausap ng mga kinatawan ng PLDT at Globe Telecom ang interesadong magkaroon ng kalakal at pakikipag-ugnayan sa mga kumpanyang nasa Pilipinas.
Ayon kay Jovy Hernandez ng PLDT, malaki ang pag-asang higit na lumago pa ang BPOs dahilan sa unti-unting nakikilala ang mga Pilipino sa mas mataas na antas ng business process outsourcing at nagkakaroon na rin naman ng paghahanda ang pamahalaan sa pamamagitan ng K-to-12 program.
Idinagdag ni Grace Castillo ng Globe Telecom na mas malaki tsansa ng mga Pilipinong makaangat larangan ng IT.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |