|
||||||||
|
||
Suspendido ang operasyon ng ilang kumpanya ng bus
BILANG tugon naganap na sakuna sa Atimonan, Quezon noong Sabado ng madaling araw, suspendido ang biyahe ng Super Lines, Isarog Lines at DLTB. Ayon sa Land Transport Franchising Regulatory Board, kailangang suspendihin ang operasyon ng mga kumpanyang ito upang isailalim sa pagsusuri ang kanilang mga sasakyan.
Tatagal ang suspension ng 30 araw, ayon pa sa media reports.
Ayon kay LTFRB Executive Director Roberto Cabrera, ang preventive suspension order ay ipinalabas dahilan sa dami ng mga nasawi at nasugatan.
Maaaring mabawasan ang suspension period ayon sa magiging findings ng koponan na ipinadala sa pook upang magsiyasat.
Sasailalim din sa drug tests at road safety seminar ang mga tsuper samantalang sasailalim sa road-worthiness ang mga sasakyan.
Apektado ng suspension ang 30 mga bus ng Super Lines, anim na bus ng Isarog Lines at dalawang unit ng DLTB.
Nag-utos din ng hiwalay na imbestigasyon si Transport and Communication Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya sa naganap na sakuna.
Pitong kawal nasawi sa pananambang ng mga gerilya
MGA pinaghihinalaang rebeldeng kabilang sa New People's Army ang sinasabing nasa likod ng pananambang sa mga kawal ng pamahalaang sakay sa tatlong magkakasunod na sasakyan sa isang malayong pook sa Tulunan, North Cotabato.
Ayon sa mga nakasaksi, pito ang napaslang on-the-spot, kabilang umano ang isang Army captain. Kumprimado ni Lt. Nasrullah Sema, tagapagsalita ng 57th Infantry Battaltion ang insidente subalit tumanggong magpahayag tungkol sa bilang o mga pangalan ng mga nasasawi.
Isang Army truck mula sa 57th Infantry Battalion, isang truck mula sa 602nd Army Brigade at isa pang truck mula sa 38th Infantry Battalion ang patungo sa Barangay Bituan kaninang ika-siyam ng umaga. Isang landmine umano ang sumabog at sinundan ng serye ng putok mula sa may 40 armadong mga guerilyang kabilang sa New People's Army. Tuloy na ang pursuit operations.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |