|
||||||||
|
||
Lindol, isa sa pinakamalaking trahedya sa Pilipinas
SINABI ni Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon na ito na ang pinakamalaking trahedyang kinaharap ng bansa. Sa isang panayam matapos ang turn-over ceremonies na kinatampukan ng donasyon ng China Red Cross na $ 80,000.00, sinabi ni Chairman Gordon na sa Cabanatuan City ay nagkaroon ng isang malubhang situasyon. Nagkaroon umano ng dalawang apektadong pook sa lindol sa Baguio City at naging mas malawak sa lindol na tumama sa Mindanao.
Subalit, idinagdag ni G. Gordon na apektado ang 21 lalawigan, 37 mga tulay ang napinsala, pitong road systems ang nasira at pati na ang water supply ay hindi na rin pinakikinabangan.
Kailangang kumuha ng tubig mula sa mga balon sapagkat may posibilidad na napinsala rin ang mga tubo ng mga water district.
Problema rin ang kalagayan ng mga mamamayan sapagkat 80 hanggang 90% ng mga biktima ang naninirahan sa labas ng kanilang mga tahanan. Naglagay na sila ng mga tarpaulin upang pagkanlungan.
Inamin din ni Chairman Gordon na problemado na rin sila sapagkat tumutulong na rin sila sa mga napinsala ng bagyong "Santi" kamakailan sa Gitna at Hilangang Luzon, nagkaroon pa ng mga sagupaan sa pagitan ng mga kabilang sa Moro National Liberation Front-Misuari Faction sa Zamboanga City, at sinundan pa ng napakalakas na lindol. Kailangan nila umanong kumilos kaagad.
Bagama't karaniwan nilang sinasagot ang pagkain ng 80 hanggang 90% ng mga biktima, ngayon ay hanggang 30% lamang ang kanilang makakaya sa dami ng mga nagingbiktima.
Ang maitutulong nila ay tubig na maiinom, non-food items, mga kumot, kulambo, mga trapal. Kung magiging maganda ang tugon ng mga magkakawang-gawang mga mamamayan at mga korporasyon, may posibilidad na makapagpatayo pa sila ng mga tahanan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |