|
||||||||
|
||
Sultan ng Sulu, pumanaw na
KAHIT pa namayapa na si Sultan Jamalul Kiram ng Sulu na namumuno sa paghahabol sa mga lupain ng sultanato sa North Borneo at Sabah, hindi magtatapos ang paghahabol s pagkakalibing sa kanya.
Maliwanag umano ito sa kanyang pamilya bago siya namatay sa Philippine Heart Center sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Ito ang pahayag ni Abraham Idjirani, ang secretary general at tagapagsalita ng sultanato.
Ang sultan ang ika-33 "crowned ruler" ng isa sa pinakamatandang sultanato sa Timog Silangang Asia. Nasawi siya dahilan sa multi-organ failure dahilan sa komplikasyon ng diabetes ilang minuto bago sumapit ang ika-lima ng umaga kahapon.
Ayon sa media reports, nagpaabot din ng pakikiramay ang Malacanang sa pamilya ng namayapang sultan. Magugunitang pinilit ng sultan ang pamahalaang isulong ang paghahabol sa Sabah at nauwi sa armadong sagupaan sa mayamang North Borneo noong Pebrero. Nasawi ang ilang mga Pilipino at Malaysian nationals sa mga sagupaan.
Nabanggit din umano ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hindi nagwawakas ang paghahabol ng pamahalaan sa Sabah sapagkat tuloy pa rin ang pag-aaral na ginagawa ng pamahalaan sa isyu.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |