Pope Francis, humingi ng panalangin para sa mga biktima ng lindol
HINILING ni Pope Francis sa buong daigdig na ipagdasal ang Pilipinas, lalo na ang mga biktima ng lindol na ikinasawi ng halos dalawang-daan katao at ikinapinsala ng mga ari-arian.
Sa kanyang mensahe matapos ang Orasyon kagabi (oras sa Maynila), ipinaabot ni Pope Francis ang kanyang pagmamahal sa mga Pilipino matapos ang 7.2 magnitude earthquake na puminsala sa mga lalawigan sa Central Philippines.
Iba't ibang kalamidad na ang tumama sa Pilipinas sa nakalipas na ilang araw, dagdag ni Pope Francis.
Noong Biyernes, nanawagan ang Santo Papa sa mga Pilipino at mga Asyanong Katoliko na panatiliin ang paglilingkod sa mga mamhihirap at mga ginigipit. Ito ang kanyang mensahe sa pagtatapos ng Philippine Conference on the New Evangelization na idinaos sa University of Sto. Tomas, sa Maynila.
1 2 3 4 5 6 7