|
||||||||
|
||
Gobernador ng Albay, mamumuno sa pandaigdigang konseho
GOBERNADOR SALCEDA, NAHALAL NA CO-CHAIR NG PAN-DAIGDIGANG KOMITE. Makakasama ni Albay Governor Jose Sarte Salceda (kanan) ang kinatawan ng Alemanya sa Green Climate Fund sa pagpupulong kamakailan sa Paris, Francia. Kilala si G. Salceda sa pagtatatag ng Climate Change Academy sa Bicol University sa Legazpi City. (Atty. Carol Sabio/Albay)
SA malakas na suporta ng mga bansa mula sa Asia, nahalal si Albay Governor Jose Sarte Salceda bilang Co-Chair of the Board of the Green Climate Fund sa ika-limang pagpupulong sa Paris, Francia na tumagal na tatlong araw.
Binuo ng Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change noong December 2011, ang pondo ay naglalayong tumulong sa mga umuunlad na bansa na makatugon sa epekto ng climate change.
Co-chairmen ang Pilipinas at Alemanya at magbabantay sa pagpapatakbo ng pondo na may mga pangakong US$ 100 bilyon sa taong 2020 at sasang-ayon sa pagtustos sa mga proyekto ayon sa alituntunin ng samahan.
Sinabi ni Gobernador Salceda na malaki ang epekto ng palatuntunan sa buhay ng mga karaniwang tao. Nararapat makinabang ang Small Islands Developing States, Least Developed Countries at ang Africa. Kabilang din sa prayoridad ang mga bansang tiyak na tatamaan ng pagbabago sa panahon. Inihalimbawa niya ang Pilipinas, Indonesia at Bangladesh.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |