|
||||||||
|
||
Repatriates mula sa Syria, darating na
ANG unang grupo ng mga repatriates mula sa Syria sa taong 2014 ay nakatakdang umalis sa Damascus ngayon.
Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ang grupo ay binubuo ng 21 mga manggagawang Pilipino at nakatakdang dalhin ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus patungo sa hangganan ng Syria at Lebanon. Sakay sila ng isang bus.
Sasalubungin naman sila ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut upang makatugon sa immigration formalities. Dadalhin din sila sa Rafic Hariri International Airport para sa kanilang paglalakbay tungo sa Abu Dhabi.
Sa pagdating nila sa Maynila ay aabot na sa 5,137 ang bilang ng mga nakauwing Pilipino mula sa Syria. May 2,112 ang idinaan sa Lebanon. Tumigil ang mga Pilipinong gumamit ng Damascus International Airport noong Disyembre ng 2012 matapos sumiklab ang madudugong labanan sa Eastern Ghouta na kinalalagyan ng isang lansangan patungo sa Damascus International Airport.
Sa likod ng kaguluhan sa Syria, mayroon pa ring 2600 mga Pilipino ang nasa iba't ibang bahagi ng magulong bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |