|
||||||||
|
||
Senate President Drilon, tiwala pa kay Kalihim Rogelio Singson
SUPORTADO ni Senate President Franklin M. Drilon si Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson na pinaniniwalaang pinaka tapat at maaasahang naging kalihim ng Public Works sa nakalipas na ilang mga administrasyon.
Sa isang statement, sinabi ni Senate President Drilon na hindi mahuhulog sa anumang patibong ng katiwalian si G. Singson at hindi kailanman nagpikit-mata sa katiwalian. Hindi matatawaran ang kakayahan at katatagan, dagdag pa ni G. Drilon.
Naipatupad umano ni G. Singson ang mga reporma tulad ng pinahusay na procurement procedures at walang pinapanigang subasta.
Sa maayos na pagpapatakbo ni G. Singson sa kanyang tanggapan, nakatipid ang pamahalaan ng may P 16 bilyon para sa iba pang mga ipagagawa.
Hindi umano napapanahon ang mga batikos kay Kalihim Singson samantalang kailangang maayos ang kalagayan ng mga biktima ng bagyong "Yolanda."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |