|
||||||||
|
||
Cebu Pacific at Tiger Airways, nagkasundo na
DARATING at magaganap na ang pagsasanib ng Cebu Air Inc., ang operator ng pinakamalaking budget airline, ang Cebu Pacific at Tiger Airways Holdings ng Singapore. Ito ang nabatid sa dokumentong ipinarating sa Securities and Exchange Commission.
Sa kasunduan, kabibilangan ito ng 100% pagkakabili ng Tiger Air Philippines sa halagang $ 15 milyon, upang makuha ang liderato sa domestic market.
Magkakaroon din sila ng access sa mahahalagang bahagi ng paliparan, ang isa sa dalawang hub na hinihimpilan ng Tigerair Philippines. Bagaman, mangangailangan pa ito ng pagsang-ayon ng Civil Aeronautics Board at Securities and Exchange Commission.
Sa oras na matapos ang mga kailangan, makakatapat ng pinagsanib na kumpanya ang mga kumpanya sa hilagang Asia, ASEAN, Australia, India hanggang sa Gitnang Silangan.
Ani Lance Gokongwei, Cebu Pacific chief executive officer at pangulo, makatitiyak ang madla ng murang pamasahe.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |