Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senado, inimbistigahan ang rice smuggling

(GMT+08:00) 2014-01-22 18:22:19       CRI

Sektor ng Pagsasaka, lumago ng 1.15% noong 2013

SA pamamagitan ng kaunlaran sa larangan ng palay, poultry at iba pang subsectors, natamo ng sektor ng pagsasaka ang .15% na kaunlaran mula Enero hanggang Disyembre ng 2013 sa likod ng mga trahedyang tumama sa bansa tulad ng lindol, hagupit ni "Yolanda" at ilan pang sama ng panahon.

Ayon sa Bureau of Agricultural Statistics, ang industriya ay lumago ng may 3.5$ sa halagang P 1.5 trilyon sa kasalukuyang panahon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Kalihim Proceso J. Alcala, naging isang malaking hamon ang 2013, mahalaga na rin ang natamong kaunlaran ng sektor. Sa pangyayaring ito, nakita na nakasalalay sa panahon ang pagsasaka kaya't kailangang magkaroon ng diversification at value-adding sa food processing.

Ang poultry growers ay nagkaroon ng 4.2% na kaunlaran kung ihahambing sa natamong kita noong 2012 dahilan sa paglago ng pangangailangan sa inihaw na manok sa mga malalaking lungsod at bayan. Lumawak ang industriya ng manok at nagkaroon ng 5.01% mula sa 1.47 milyong tonelada noong 2012 at nakarating sa 1.55 milyong tonelada noong 2013.

Kinakitaan din ng pagtaas ng output ang mga nasa paghahayupan na nagkaroon ng 1.75% sa pamamagitan ng dairy (5.47%), pag-aalaga ng baboy (1.95%) at pag-aalaga ng baka (1.76%). Ang livestock at poultry subsectors ay nakapag-ambag ng 31% sa pangkalahatang agricultural production na nagkakahalaga ng P 407.4 bilyon sa halaga ngayon.

Ang sektor ng palay ay nagkaroon ng magandang ani sa bilang na 18.44 milyong tonelada na mas mataas ng 2.26% kaysa sa natamo noong 2012 na 18.04 milyong tonelada. Maganda ang ani sa Central Luzon, Caraga, Soccsksargen, Bicol at ARMM. Ayon sa Bureau of Agricultural Statistics, mas mababa ang pinsalang idinulot ng peste at sakit.

Ang palay production noong nakalipas na taon ay mas malaki ng 8.08% sa datos noong 2011 na 16.68 milyong tonelada.

Ang crops subsector na kinabibilangan ng palay ay lumawak ng 0.09% at higit sa kalahati (51.04%) sa buong agricultural output.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>