|
||||||||
|
||
Mga simbahan sa Mindanao, humihingi ng tulong
NAGLUNSAD ang iba't ibang dioceses sa Mindanao ng panawagan upang matulungan ang libu-libong mga binaha dala ng tropical depression na si Agaton.
Binaha ang higit sa 720 libo katao at nasawi na ang 45 katao sa Davao Oriental, Compostela Valley at Dinagat Province.
Sa Diocese of Tandag sa Surigao del Sur, nangangailangan ang mga nasa evacuation centers ng pagkain, tubig at gamot.
Ayon kay Fr. Antonio Galela, Social Action Center Director ng Tandag, tinutugunan nila ang mga pangangailangan ng mga biktima at nakikipagtulungan na sa mga punongbayan at lalawigan.
May pagkain na rin silang ipinamamahagi at tinutulungan na sila ng pamahalaang lokal sa pamamahagi ng relief goods sa evacuation centers.
Sinabi naman ni Fr. Roland Sayman, social Communications Director ng Mati na nanawagan din sila sa ngalan ng mga apektado ni "Agaton." Mas matindi umano ang pinsala ngayon kaysa noong mga nakalipas na panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |