|
||||||||
|
||
Alertado pa rin ang Department of Social Welfare and Development
HANDA ang Department of Social Welfare and Development na dagdagan ang relief resources ng mga lalawigan, lungsod at bayang apektado ng sama ng panahong unang pinangalanang "Agaton."
Magugunitang halos dalawang linggong walang humpay ang ulan sa Mindanao at ilang bahagi ng Kabisayaan.
Nakapamahagi na ang DSWD ng may 62,022 family food packs na nagkakahalaga ng P 15.5 milyon sa Davao Region. Nagkaroon din ng 14,912 family food packs na nagkakahalaga ng P 4 milyon sa CARAGA Region.
Nagkaroon din ng dagdag na 5,000 family food packs na dadalhin sa San Francisco, Esperanza, Rosario at Bayugan City sa Agusan del Sur.
Preparado rin ang DSWD Central Office na magpalabas ng dagdag na P 10 milyon sa Caraga field office upang makabili emergency relief supplies.
Hanggang kaninang umaga may 408 evacuation centers sa mga napinsalang pook ang kinalalagyan ng may 35,122 pamilya o higit sa 160 libo katao. Halos 300,000 katao naman ang naninirahan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |