|
||||||||
|
||
Photo exhibit, naglalarawan ng suliranin ng mga biktima ni "Yolanda"
ISANG non-government organization ang nagmumulat sa kaalaman ng mga mamamayan sa nagaganap sa mga binagyong pook sa Kabisayaan sa pamamagitan ng mga larawang dinadala sa simbahan.
Ayon kay Aldrein Silanga mula sa NGO Tindog People's Network, matapos ang apat na buwan, libu-libong mga Waray ang walang tahanan at nagugutom.
Kabilang sa mga larawan ang mga Waray ng Samar at Leyte na nagtatangkang mabuhay matapos daanan at hagupitin ng napakalakas na bagyo.
Nabuo ang photo exhibit sa pamamagitan ng People Surge, isang NGO sa TAcloban na nagpahiram ng mga larawan at sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help Mission Office sa Baclaran na unang pinag-dausan ng pagtatanghal.
Sa pagitan ng mga Misa sa Baclaran, isang nakaligtas sa hagupit ni "Yolanda" ang maglalahad ng karanasang hindi hihigit sa limang minuto. Inihahayag niya kung paano sila nakakaraos sa kahirapang natamo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |