|
||||||||
|
||
Negosasyon hingil sa Philippines-United States Agreement on Enhanced Defense Cooperation, natapos na
SA pagtatapos ng ika-anim na pagpupulong sa negosasyon hinggil sa enhanced defense cooperation sa pag-itan ng Pilipinas at Estados Unidos, ibinalita ni Defense Undersecretary Pio Lorenzo F. Batino na minabuti nilang mag-ulat sa mga Pilipino ng nakamtang progreso sa nakalipas na mga pag-uusap.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni G. Batino na na ang panukalang kasunduan ang magbibigay ng mga pook sa nasasakop ng Armed Forces of the Philippines sa mga kawal ng Estados Unidos "on a rotational basis" na hindi lalabag sa aitinatadhana ng Saligang Batas at iba pang batas ng Pilipinas.
Makabuluhan at mahalaga ang paguusap sa katatapos na ika-anim na serye. Mayroon umanong katapatan ang magkabilang panig na paigtingin ang pagtutulungan sa larangan ng tanggulang pambansa, seguridad at iba pa kabilang na ang humanitarian assistance at disaster response.
Bago nagsimula ang ika-limang pag-uusap noong Enero, inilatag ng Pilipinas sa panig ng Estados Unidos ang buradol (draft) na naglalaman ng paninindigan ng lahat ng mithiin ng bansa. Ang lupon ay may pagkilala sa kalayaan ng Pilipinas, "non-permanence" ng mga kawal Americano at walang itatatag na base militar sa Pilipinas. Kabilang dito ang pagbabawal sa mga sandatang nukleyar.
Idinagdag ni G. Batino na tinaggap ng panig ng America ang buradol sa ika-anim na pagpupulong. Nagkasundo sila sa nilalaman at iba pang detalyes. Sumang-ayon din ang Estados Unidos sa probisyon sa kalikasan at kaligtasan at oportunidad sa mga supplier na Pilipinong magbibili ng mga paninda, mga produkto at uri ng paglilingkod.
Magkakaroon din ng inter-agency consultations sa panig ng Pilipinas ngayon. Kasama sa Negotiating Panel sina Ambassador Lourdes Yparaguierre, Ambasador J. Eduardo Malaya, Justice Undersecretary Francisco Baraan III at DND Assistant Secretary for Strategic Assessment Raymund Jose Quilop.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |