Pagsasanay ng mga kawal ng Pilipinas at Estados Unidos, nasimulan na
MATATAPOS na ang unang field training exercise ng mga kawal na Americano at Pilipino sa ilalim ng Philippine Marine Engagement Program sa 3rd Marine Amphibious Brigade headquarters sa Puerto Princesa, Palawan.
ANG PMEP ay isang regular na bilateral training program sa pagitan ng US Marine Corps at Philippine Marine Corps na higit na magsasanay sa larangan ng amphibious operations.
Ang mga kawal na Americano ay mula sa 3rd Reconnaissance Battalion na may tanggapan sa Okinawa, Japan. Sinimulan ang pagsasanay noong Lunes, ika-10 ng Marso.
Ngayon ding buwan ng Marso, ang senior enlisted Marines mula sa 1st Marine Expeditionary Force sa San Diego, California ang makikipagpalitan ng kakayahan sa mga kasapi ng Philippine Marine Corps sa Fort Bonifacio sa Kamaynilaan.
1 2 3 4 5