Embahada ng Pilipinas sa Beijing nagbabala
NAGBABALA ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing sa mga Pilipinong huwag lalabag sa nilalaman ng kanilang mga visa upang makaiwas sa pagkakadakip, paglilitis, pagkakabilanggo, pagpapatapon at blacklisting.
Lumabas ang pahayag mula sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas matapos ipatapon ang may 200 mga banyaga noong 2013. May 48 o 24% ang mga Pilipino.
Nadakip at naditine ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng palsipikadong mga Chinese visa at mga pahintulot, palsipikadong mga pangalan, paninirahan ng higit sa takdang panahon at iba pa. Ilan ay nadakip sa illegal na pagpasok sa China at paggamit sa Tsina bilang jump-off point patungo sa ibang bansa.
Nararapat igalang ang mga batas sa Tsina at tumupad sa restrictions ng kanilang mga visa. Kung ang kanilang visa ay para sa turismo lamang, hindi sila dapat magtrabaho ng walang tamang visa o permiso, kahit pa walang sahod.
Hindi dapat masangkot sa anumang paglabag sa batas tulad ng illegal drugs at prostitusyon. Nararapat lamang silang bumalik sa Pilipinas bago mapaso ang kanilang authorized period of stay sa Tsina upang makaiwas sa paglabag sa immigration at labor regulations ng bansa.
1 2 3 4 5 6 7