|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Toyota, aayusin ang mga sasakyang ipinagbili mula 2004 hanggang 2010
TATLONG modelo ng mga sasakyang ipinagbili ng Toyota Motor Philippines Corporation mula Nobyembre 2004 hanggang Hunyo ng 2010 ang napasailalim sa recall.
Saklaw ng special service campaign ang mga sasakyang Fortuner, Hi-Lux at Innova dahilan sa posibleng problema sa spiral cable ng mga sasakyang ito.
Dahilan sa hugis at kinalalagyan ng spiral cable retainers, maaaring mawalan ng koneksyon sa air bag system. Sa ganitong pagkakataon, baka hindi pakinabangan ang air bag. Subalit niliwanag ng Toyota na wala pang ganitong mga pangyayari.
Sa aking panayam kay Atty. Rommel Gutierrez, Vice President for Corporate Affairs ng Toyota, liliham sila sa lahat ng mga may sasakyan at papayuhan kung kalian dadalhin ang kanilang sasakyan sa mga service center upang mapalitan ang spiral cable assembly ng walang bayad.
Ayon kay Atty. Gutierrez, nagpapabili na sila ng spare parts na kailangan upang masimulan kaagad ang pag-aayos. Wala umanong nararapat ipangamba ang mga may sasakyan. Isang preventive measure lamang ang ginawang recall.
Bahagi ito ng Toyota global recall ng may 6.39 milyong sasakyang kinatatampukan ng 26 na iba't ibang modelo.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |