|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Cebu Pacific, makakapaglakbay na sa Europa
MASAYANG ibinalita ni Dr. Julian Vassallo, ang European Union Chargé d'affaires ad interim na makapaglalakbay na ang Cebu Pacific sa Europa matapos ang ginawang pagsusuri ng International Civil Aviation Authority o ICAO na ginawa na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang matiyak na ligtas na maasahan ang mga sasakyang panghimpapawid na magmumula sa Pilipinas patungong Europa.
Sa isang press briefing kagabi, sinabi na patuloy na umunlad ang relasyon ng European Union at Pilipinas sa larangan ng civil aviation. Partikular na binanggit ni Dr. Vassallo sina General Hotchkiss ng CAAP at G. Lance Gokongwei ng Cebu Pacific.
Nagkaroon ng serye ng pagpupulong at inspeksyon sa Pilipinas upang matiyak na ligtas ang paglalakbay sakay ng mga eroplanong mula sa bansa. Nagkaroon din ng serye ng pagbabalik-aral sa nagaganap sa Pilipinas.
Nagkaisa ang mga kasapi ng Air Safety Committee ay nagkaisa sa desisyon na irekomenda sa buong College of European Commissioners na nagpulong ng isa hanggang dalawang oras sa Brussels, Belgium.
Inalis na ang Cebu Pacific sa talaan ng mga ipinagbabawal na eroplano sa Europa.
Magsasagawang muli ang European Commission ng panibagong assessment mission sa Pilipinas ngayong 2014 upang pag-aralan ang buong aviation sa bansa kabilang na ang internal aviation upang maalis na ang ban sa kabuuhan ng Philippine aviation.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |