Espikulasyon lang ang mga balita tungkol sa divorce, gay marriage at abortion
SINABI ni House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. matapos ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Reproductive Health Law, lumabas sa media ang mga balitang magkakaroon ng divorce bill tulad ng same sex marriage at abortion.
Ayon kay Speaker Belmonte, ang lahat ng ito'y pawang espikulasyon.
Sa isang pahayag mula sa Office of the Speaker, sinabi ni G. Belmonte na samantalang mayroong panukalang batas hinggil sa diborsyo, walang kabuluhan ang kanyang personal na pananaw tulad rin ng kanyang mga kasama, sapagkat daraan ito sa karaniwang proseso. Magkakaroon ng mga pag-aaral, committee at public hearings bago pumasa sa Mababang Kapulungan.
Ani G. Belmonte, hindi prayoridad ang mga ito sapagkat maraming mahahalagang bagay na nakabimbin tulad ng Bangsamoro, ang panukalang ayusin ang economic provisions ng Saligang Batas at ang Freedom of Information Bill upang magkaroon ng mas magandang buhay ang mga mamamayan.
Napakalayong magkaroon ng panukalang batas hinggil sa abortion at kabibilangan ng pagiging Diyos sa mga hindi pa isinisilang na hindi nararapat gampanan ng Kongreso. Idinagdag ni Speaker Belmonte na taliwas ito sa layuning magkaroon ng kaunlaran sa buhay ng mga mamamayan at hindi kailanman matatampok sa kanilang agenda.
1 2 3 4 5 6 7