Pagdalaw ng American Secretary of Commerce, mahalaga para sa Pilipinas
SINABI ni Rhicke Jennings, pangulo ng American Chamber na makasaysayan ang pagdalaw ni Secretary Penny Pritzker sapagkat ang PIlipinas ay isa sa may pinakamasiglang ekonomiya sa rehiyon.
Maganda at makasaysayan din ang relasyong namamagitan sa Pilipinas at Estados Unidos sapagkat milyon-milyong mga Filipino ang naninirahan sa America at may 100,000 ang na sa bayan ni Kalihim Pritzker, ang Estado ng Chicago.
Ang kalakal ng Pilipinas at America ay umaabot sa US$ 24 bilyon.
Ang pagdalaw na ito, ayon kay G. Jennings ay pagpapakita ng malapit na pagkakaibigan ng Obama Administration sa Pilipinas.
1 2 3 4 5