![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
May panahon pa upang makapaghanda
MAY PANAHON PA UPANG MAKAPAGHANDA. Ito ang sinabi ni Fr. Marvin Mejia, Secretary-General ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa napipintong pagdalaw ni Pope Francis sa Enero. Lumabas ang balita na dadalaw si Pope Francis upang makausap ang mga biktima ni "Yolanda" noong Nobyembre, 2013. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Fr. Marvin Mejia, secretary-general ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na may sapat na panahon pa upang mapaghandaan ang pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas.
Sa isang panayam, sinabi ni Fr. Mejia na wala pa silang natatanggap na opisyal na pahayag mula sa Apostolic Nunciature hanggang sa isinasagawa ang panayam kanina.
Unang lumabas ang balita sa ginawang panayam ni Pope Francis sa mga mamamahayag na kasama niya pabalik sa Roma mula sa Tel Aviv samantalang sakay ng isang El Al jet.
Kagabi, lumabas ang balita mula sa Vatican Information Service na dalawang ulit na dadalaw sa Asia ni Pope Francis, una ay sa ika-13 ng Agosto sa South Korea sa pagdaraos ng Asian Youth Day. Binanggit din ni Pope Francis na babalik siya sa Asia sa Enero ng 2015 upang dumalaw sa Sri Lanka sa loob ng dalawang araw at sa Pilipinas upang dalawin ang mga nasalanta ng bagyong "Yolanda."
Isang malaking hamon, ayon kay Fr. Mejia ang napipintong pagdalaw sa Pilipinas sapagkat simple lamang ang ginagawang paghahanda para kay Pope Francis.
Sa oras na dumating ang opisyal na pahayag, maaaring magkaroon ng pagpupulong ang mga obispo sa mga pook na dadalawin at sa liderato ng kapulungan. May nakatakdang plenary assembly ang CBCP sa darating na Hulyo sa Maynila. Malaki ang posibillidad na makasama sa mga paksang pag-uusapan ang napipintong pagdalaw ng Santo Papa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |