![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Paglago ng kalakal sa pagitan ng European Union at Pilipinas inaasahan
SINABI ni Kalihim Arsenio M. Balisacan na nasaksihan ng madla ang paglago ng kalakalan ng European Union at Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa kauna-unahang EU-Philippines Business Dialogue kaninang umaga, sinabi ni Kalihim Balisacan na lumago ang exports ng Pilipinas sa European union at umabot sa 12% ng buong exports ng bansa sa taong 2013 ay umabot sa US$ 6.55 bilyon. Umabot naman sa 10% ng buong inangkat ng Pilipinas ang nagmula sa European Union.
Sa pagkakaroon ng EU-Philippines Business Network, makakaasa ang Pilipinas at European Union na higit na titibay ang relasyong namamagitan sa dalawang panig. Layunin ng kasunduang mapalago ang micro, small, at medium enterprises (MSMEs) na malaking bahagi ng ekonomiya ng Pilipinas.
Noon umanong 2011, ang MSME sector ay 99.6% ng registered business sa Pilipinas at mayroong 3.9 milyong nagkatrabaho. Kung sectoral distribution ang pag-uusapan, halos kalahati o 47% ng buong MSMEs ang nasa wholesale at retail trade. Kasunod ito ng manufacturing sector na nagkaroon ng 13.7% at ang accommodation at feed services activities ay 12.9%.
Ipinaliwanag ni Kalihim Balisacan na ang MSME sector ay 35.7% lamang ng buong value added ng bansa kaya't malaki pa ang magagawa upang mapaunlad ito. Uunlad ang sektor na ito kung magkakaroon ng ibayong pagtutulungan ang European Union at Pilipinas.
Umaasa pa rin si Kalihim Balisacan na lalago ang ekonomiya ng mula 7 hanggang 8% sa medium term. Kahit mas mababa sa inaasahang 5.7% sa unang tatlong buwan ng 2014, umaasa silang magkakaroon ng 6.5 hanggang 7.5% target.
Mayroong mga hakbang na ginagawa ang pamahalaan tulad ng pagbabawas gastos sa pagsisimula ng kalakal sa bansa, tulad ng pagrerehistro, pagkakaroon ng business permits at clearances at iba pa. Sa pagkakaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa Mindanao, umaasa silang magkakaroon ng mas maraming kalakl sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Bubuhayin din ng Piipinas ang manufacturing sector sa laki ng benepisyong maidudulot nito sa bansa at sa mga mamamayab. Mayroon ding value added, backward linkage sa sektor ng pagsasaka upang umangat ang buhay ng mga mahihirap. Prayoridad rin ng pamahalaan na magkaroon ng may-uring hanapbuhay at mas malaking productivity.
Bukas ang Pilipinas sa investments sa construction, partikular sa rural infrastructure projects at transport infrastructure. Isinusulong din ang public-private partnership sa iba't ibang larangan ng kalakal, dagdag pa ni Kalihim Baliscan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |