Kuryente, mahalagang bagay sa ekonomiya ng bansa

KURYENTE ANG MAHALAGA. Sinabi ni G. Hans B. Sicat, Pangulo at CEO ng Philippine Stock Exchange na higit na sisigla ang ekonomiya kung makararating ang kuryenteng mula sa mga itinatayong planta sa national grid sa pinakamadalilng panahon. (Melo M. Acuna)
UMAASA ang mga mangangalakal na magkakaroon ng kaukulang tugon ang pamahalaan sa pangangailangan ng kuryente upang maibsan ang problemang dulot nito sa ekonomiya.
Ito ang pananay ni G. Hans B. Sicat, Pangulo at Chief Executive officer ng Philippine Stock Exchange sa isang panayam kanina sa New World Hotel. Mahalagang mapunuan ang pangangailangan sa kuryente kung layunin ng bansang matamo ang 7% growth in Gross Domestic Product. Ang pagkakaroon ng sapat at maasahang kuryente ay isang isyu na nararapat malutas kaagad.
Sa katanungan kung may inaasahan siyang sapat na supply ng kuryente bago sumapit ang 2016, sinabi ni G. Sicat na mayroong ilang base load plants na ginagawa o itinatayo subalit ang tanong ay kung mapapatakbo o pakikinabangan ba ito kaagad. Ang mahalaga, ani G. Sicat ay mapakinabangan kaagad ang kuryenteng mula sa mga plantang ito ay maikabit sa national grid.
1 2 3 4 5