![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
140611melo.m4a
|
Kahirapan ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa
KAHIRAPAN ANG DAHILAN NG PANGINGIBANG-BANSA. Ito ang sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kahapon. Anang cardinal, masakit sa mga nagmamahalang mag-asawa ang maghiwalay at mangibang-bansa subalit ito ang paraan upang maitaguyod ang mga mahal sa buhay. (Melo M. Acuna)
KAHIRAPAN ang nagiging dahilan upang maghiwalay at magkalayo ang mga mag-asawa sa Pilipinas. Bagama't mayroong naghihiwalay dahil sa hindi pagkakasundo at pananakit sa isa sa mga mag-asawa, may mga mag-asawang naghihiwalay dahil sa pagmamahal.
Ito ang sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa isang pagharap sa mga mamamahayag kahapon.
"Maraming mga paksang pag-uusapan sa napipintong sinodo ng mga obispo sa darating na Oktubre," ani Cardinal Tagle. Panguusapan sa extra-ordinary synod ang kalagayan ng mga pamilya sa buong daigdig. Ipinaliwanag niyang dadaluhan ito ng mga pangulo ng iba't ibang kapulungan ng mga obispo sa buong daigdig at susuriin ang datos na natamo sa survey na ginawa noong nakalipas na taon.
Ani Cardinal Tagle, sa Pilipinas ay mayroong mga mag-asawang nahihiwalay dahilan sa mga suliranin sa pagitan ng mga mag-asawa, may mga pagkakatanong nagkakasakitan at hindi na mapigil ang 'di pagkakasundo.
Kakaiba rin ang karanasan ng mga mag-asawang Filipino, ang naghihiwalay dahil sa pag-ibig. Kakaibang karanasan ito sapagkat maghihiwalaY ang mag-asawa dahilan sa pagmamahal sa kanilang pamilya, sa layuning mai-angat ang buhay ng mag-anak.
"Ang kahirapan ang ugat ng pangingibang-bansa," dagdag na isa sa pinakabatang cardinal sa buong daigdig. Mas masakit umano sa mag-asawang nagkakahiwalay sa pagkakaroon ng hanapbuhay sa ibang bansa dahil may sakit sa kalooban ang nagkakalayo sa isa't isa.
Ipinaliwanag pa niyang sa mga hindi magkasundong mag-asawa ay gumagaan ang pakiramdam sa kanilang pagkakalayo.
Idinagdag pa ni Cardinal Tagle na namangha ang kanyang mga kapwa cardinal sa pagkakaroon ng naghihiwalay na mag-asawa dahilan sa pag-ibig. Inatasan umano ni Pope Francis si Cardinal Tagle na bigyang pansin ang kalagayan ng mga mag-asawang nagkakalayo dahilan sa kahirapan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |