![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Malaki ang potensyal ng pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas
NAGPASALAMAT si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry sa kanilang kontribusyon sa iba't ibang larangan ng lipunang Pilipino.
Marami ring mga Tsinoy na nagsakripisyo sa pag-aangat ng mga pamilya at mga komunidad. Naging bahagi rin ang mga Tsino sa pagtatatag ng isang malayang bansang kinatatagpuan ng kaunlaran.
Pinapurihan niya sina General Ignacio Paua ng Manito, Albay na natampok sa pakikidigma sa mga mananakop na Americano at si General Vicente Lim na nakipaglaban sa mga Hapones. Naging mga halimbawa ang dalawang heneral ng katapatan at kagitingan ng mga Tsinoy na militar.
Binanggit din ni Pangulong Aquino ang may 9,200 mga silid-aralan na itinayo ng Federation sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Ibinalita rin niya na mayroon nang isang 24-hour express lane para sa mga truck na daraan sa mga Lungsod ng Maynila, Caloocan, Pasay, Makati at Paranaque.
Bago siya nagwakas ng kanyang talumpati, nagpasalamat siya kay Ambassador Zhao Jianhoa sa mga katagang nagpapalakas ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ani Pangulong Aquino, noong dumalaw siya sa Tsina noong 2011, binanggit ni Pangulong Hu Jintao na ang mga 'di pagkakaunawaan sa mga nasasakupan sa karagatan ng dalawang bansa ay 'di kainlanman magiging kabuuhan ng relasyong namamagitan sa Tsina at Pilipinas. Marami pang namamagitan sa dalawang bansa.
Kailangang bigyang-pansin ang pagpapahalaga sa kapayapaan at katatagan upang dumaloy ang kaunlaran sa dalawang bansa. Nananatili ang pangakong pahahalagahan ang kabutihan ng mga mamamayan, dagdag pa ni Pangulong Aquino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |