Ikatlong batch ng mga kakasuhan, mabubunyag ngayong Hunyo
ANG ikatlong grupo ng mga irereklamo ay mahaharap na sa kinauukulan ngayong buwan ng Hunyo. Ito ang sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima sa mga mamamahayag bago naganap ang kanyang kumpirmasyon sa Commission on Appointments kanina.
Ang mga reklamo ay may koneksyon sa ginawa ni Janet Lim Napoles na maipararating sa Ombudsman sa Biyernes o sa susunod na linggo.
Hindi muna pinangalanan ni Kalihim de Lima ang mga kakasuhan. Ilan umano sa mga mambabatas ang kakasuhan ng malversation. Ang batayan ani Kalihim de Lima ay ang sinasabing komisyon o kickback at may posibilidad na hindi umabot sa plunder ang pinaniniwalaang nakulimbat.
Hindi tiyak ni Kalihim de Lima kung mabubuo nila ang reklamo sa mga naganap bago sumapit ang 2007. Marahil ay mangangailangan siya ng tulong ng Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council upang habulin ang mga may kinalaman sa mga anomaly bago sumapit ang 2007. Ang Council ay binubuo ng mga ahensyang tulad ng Ombudsman, Department of Justice at Commission on Audit.
1 2 3 4 5 6 7