![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Mga Filipinong mula sa Libya, dumating na
MAY 53 mga manggagawang Filipino mula sa Doosan Company, isang Koreanong kumpanya sa Libya ang dumating kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng Emirates Airlines Flight EK 332.
Ang ikalawang grupo na binubuo ng 33 mga manggagawa mula sa parehong kumpanya ang darating mga ikasampu ng gabi sakay naman ng Emirates Airlines Flight 334.
Mula sa 251 mga Filipino na nagboluntaryong sumailalim sa repatriation, may 198 na lamang ang nasa Libya.
Tuloy pa rin ang panawagan ng Department of Foreign Affairs sa mga Filipino sa Libya na makipagbalitaan sa Philippine Embassy sa Tripoli at magboluntaryong sumailalim ng repatriation. Sagot ng pamahalaan ang lahat ng gastos sa pag-uwi sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |