Mga kalihim, nakalusot na sa Commission on Appointments

SENADOR JINGGOY ESTRADA AT KALIHIM DE LIMA, NAGKITA. Binati ni Senador Jinggoy Estrada si Justice Secretary Leila de Lima, ang kalihim na nagsiyasat sa sinasabing mga anomalya ng mga mambabatas. Hindi humadlang si Senador Estrada sa kumpirmasyon bilang Kalihim ng Katarungan si Kalihim de Lima. (Senate Photo)
SAPAGKAT nawalan ng veto powers ang mga kasapi ng Commission on Appointments, nakapasa na ang tatlong kasapi ng gabinete. Sina Justice Secretary Leila de Lima, Social Welfare Secretary Corazon Juliano Soliman at Environment Secretary Ramon Paje ang nakatanggap ng kumpirmasyon kaninang hapon.
Sa ilalim ng Section 20 ng Commission on Appointment riles, ang mga miyembro nito ay makagagamit ng Section 20 upang isaisangtabi ang appointment ng isang nominee ng walang anumang dahilan o paliwanag.
Ang veto power ay 'di magagamit isang araw bago magtapos ang sesyon ng Kongreso sine die. Ngayon ang huling araw ng sesyon ng dalawang kapulungan.
Noong isang linggo, nanawagan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa mga kasapi ng Commission on Appointments ha iwasan ang pamimersonal sa paghadlang sa kanyang mga hinirang na miyembro ng gabinete.
1 2 3 4 5 6 7