|
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay nababahala sa human rights victims scam
MAY sindikatong nakikinabang sa mga biktima ng human rights abuses sa kanilang pagpaparating ng kanilang application para sa compensation. Ito ang pahayag ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay.
Masakit umanong katotohanan ito sapagkat biktima na ng pang-aabuso, mabibiktima pa ng mga sindikato.
Nanawagan siya sa mga autoridad na siyasatin ang mga impormasyong nakarating sa kanya upang madakip at makasuhan ang mga kasapi ng sindikato. Ayon sa Human Rights Victims Claims Board, may mga claimants na nagsabing may fixers na umiikot ay nagbibili ng application forms sa halagang P 300 bawat isa.
Ang mga application form ay matatagpuan sa HRCVB sa U. P. Diliman o sa pangrehiyong tanggapan ng Commission on Human Rights. Maaari din itong makuha sa website ng HRCVB.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |