|
||||||||
|
||
Bagong paliparan, inirekomenda ng JICA
MALAKI ang posibilidad na gawin ang Sangley Point sa Cavite bilang pangmatagalang pandaigdigang paliparan na papalit sa Ninoy Aquino International Airport.
Sinabi ni Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Abayan na pormal na inirekomenda ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang Sangley Point sa isang presentation noong nakalipas na Biyernes, ika-13 ng Hunyo.
Sisimulan nan g JICA ang isang feasibility study na maaaring maging dahilan na pagbubukas ng paliparan sa Sangley Point pagsapit ng 2025.
Itatanghal nila sa Department of Transportation and Communications kay Pangulong Aquino ang panukala upang sang-ayunan at ang magaganap sa NAIA sa oras na maitayo ang bagong paliparan.
Kailangang magkaroon ng mas malaking paliparan sapagkat may 30 milyong pasahero ang dumaraan sa NAIA bawat taon na kulang na lamang ng dalawang milyon sa 32 milyong kataong kapasidad nito.
Ang Sangley Point ay dating US Naval Base sa Cavite na ngayon ay 20 minuto na lamang ang layo mula sa Makati. Bukod sa dating naval base, pinag-aaralan din ng JICA ang pagtatayo ng paliparan sa isang pulo sa Laguna de Bay.
Ayon sa balita ang dalawang panukalang paliparan ay mangangailangan ng reklamasyon ng may 2,000 ektarya.
Naunang ipinanukala ni Ramon Ang, president at chief operating officer ng San Miguel Corporation ang isang bagong paliparang nagkakahalaga ng US$ 10 bilyon. Ang panukalang paliparan ni Ang ay itatayo sa 1,600 ektaryang lupang pag-aari ng Cyber Bay Corporation sa pag-itan ng Las Pinas at Parañaque sa may Manila-Cavite Expressway.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |