|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, dadalaw sa Japan
MAGPUPULONG sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Japanese Prime Minister Shinzo Abe at pag-uusapan ang nagaganap sa South China Sea.
Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni Kalihim Herminio "Sonny" Coloma, Jr, na magtutungo si Pangulong Aquino sa Japan sa darating na Martes upang magsalita sa pandaigdigang pagpupulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Hiroshima sa paanyaya ni G. Abe.
Bago maglakbay patungo sa Hiroshima, sinabi ni Kalihim Coloma na magpupulong ang dalawang pinuno ng bansa sa isang pananghalian sa tahanan ni G. Abe sa Tokyo.
Babalik din si Pangulong Aquino sa Maynila sa araw ding iyon.
Walang detalyes ang pag-uusapan ng dalawang pinuno ayon kay Kalihim Coloma at hihintayin na lamang ang magiging pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |