|
||||||||
|
||
Novenario para sa Ina ng Laging Saklolo, sisimulan na
MAGSISIMULA na ang tradisyunal na novenario para sa karangalan ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran. Iba't ibang pari ang mamumuno sa novena-masses sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help.
Karaniwang dinudumog ng daang libong mga mananampalataya ang simbahan sa bawat Miyerkoles, sisimulan na ang novena-masses bukas. Magtatapos ito sa ika-26 ng Hunyo, araw ng Huwebes, ang bispera ng kapistahan.
Bukas sa ganap na 5:45 PM, pamumunuan ni Tuguegarao Archbishop Sergio L. Utleg ang misa. Sa ika-19 ng Hunyo, si Fr. Ulrich B. Gacayan, RCJ samantalang si Fr. Hernandez Mendoza ang mamumuno sa ika-20. Magmimisa rin si Fr. John Francis Frederick Manlapig sa ika-21 ng Hunyo.
Sa darating na ika-22 ng Hunyo, si Manila Archbishop Emeritus Gaudencio B. Cardinal Rosales ang magmimisa samantalang magmimisa rin si Fr. Calixto Lumandas sa ika-23 at si Fr. Mark Emman Sese naman ang makakasama ng mga deboto sa ika-24 ng Hunyo.
Si Fr. Vitaliano Dimaranan, SDB ang magmimisa sa ika-25 ng Hunyo at si Fr. Ramon Garcia naman ang magmimisa sa ika-26 ng Hunyo.
Sa Kapistahan, si Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, Jr. ang magmimisa sa ganap na ika-12:30 ng tanghali at si Bishop Ireneo Amantillo, C. Ss.R. naman ang magmimisa sa ganap na ika-lima't kalahati ng hapon.
Babasbasan ang mga larawan ng Ina ng Laging Saklolo sa pag-itan ng mga Misa. May prusisyon matapos ang Misa sa ganap na ika-lima't kalahati ng hapon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |