|
||||||||
|
||
Pag-aalis ng pagbabawal sa foreign ownership ng mga bangko magiging dahilan ng mas maraming investments
UMAASA si Senate President Franklin M. Drilon na sa oras na mawala ang pagbabawal sa foreign ownership ng mga bangko sa Pilipinas, magkakaroon ng mas maraming investments upang mapasigla ang banking sector at mai-angat ang ekonomiya.
Bago nagtapos ang sesyon noong nakalipas na linggo, ipinasa ng Kongreso ang pagsusog sa Republic Act 7721 na kilala sa pamagat na Act Liberalizing the Entry and Scope of Operations of Foreign Banks in the Philippines, upang makapasok ang mga banyagang bangko sa bansa.
Ani G. Drilon, ipadadala kaagad ang panukalang batas sa tanggapan ni Pangulong Aquino upang lagdaan.
Idinagdag pa niya na pagpapasa nito, higit na sisigla ang ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa niya kung tapat ang pamahalaan na tumanggap ng mga mangangalakal, nararapat lamang susugan ang mga batas na humahadlang sa pagpasok ng foreign investments samantalang sinusugpo ng administrasyong mapawi ang mga katiwalian.
Sa oras na maging batas ito, ang mga tanyag at kilalang foreign investors ay papayagang magkaroon ng full-ownership ng domestic banks sa Pilipinas, dagdag pa ni Senador Drilon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |