|
||||||||
|
||
Palasyo nagbabala sa mga nag-iimbak ng mga paninda
BINALAAN ng Malacañang ang mga mangangalakal sa pag-iimbak ng mga panindang kailangan ng mamamayan dahilan sa nagkakaroon ng "artificial shortage". Nagbabala ang Palasyo na papanagutin ang matatagpuang may kasalanan.
Ani Kalihim Sonny Coloma, may isinasagawa ng surveillance upang mapigil ang hoarding at iba pang practice na nagiging dahilan ng artificial shortage.
Tiniyak niyang magpapatupad ng parusa ang pamahalaan upang mapanagot ang mga gumagawa ng illegal na pag-iimbak.
Ito ang reaksyon ng Malacanang sa balitang tumataas ang presyo ng bigas, luya at bawang. Pinamumunuan umano ni Kalihim Gregory Domingo ang pagbabantay sa paggalaw ng presyo sa pamilihan.
Gagawin ng pamahalaan ang lahat upang matiyak na may matatag at maasahang supply ng mga kailangan ng mga mamamayan. Idinagdag pa ng kalihim, hahit pa umano hindi napatotohanan ng pamahalaan ang rice self-sufficiency target noong 2013, may nagawa pa rin ang pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |