|
||||||||
|
||
British Trade Ambassador, dumating sa Pilipinas
PINAMUNUAN ni Ginoong George Freeman, MP at Trade Envoy sa Pilipinas ng United Kingdom ang isang energy trade delegation upang isulong ang trade and investment relations sa pag-itan ng United Kingdom at Pilipinas. Magtatagal ang delegasyon sa bansa hanggang bukas.
Siya ang kauna-unahang Trade Envoy sa Pilipinas na ipinadala ni Prime Minister David Cameron sa mga piling-pili at umuunlad na mga pamilihan at nagpapakita ng pagtitiwala ng mga mangangalakal sa Pilipinas.
Si G. Freeman ang isa sa 14 na trade envoys na hinirang ni Prime Minister Cameron.
Makakausap niya ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan, mga alagad ng kalakal at British business community. Pormal niyang pasisinayaan ang British Business Centre sa Bonifacio Global City na pinatatakbo ng British Chamber of Commerce Philippines.
Kasama ni G. Freeman ang isang delegasyon ng mga kinatawan ng iba't ibang energy companies. May pagkadalubhasa ang United Kingdom sa renewable energy, hanggang oil and gas sectors mula sa dekadekadang karanasan nito sa North Sea. Ang energy security at climate change ay magkaugnay samantalang inaasahang tataas ang energy demand ng may 40% sa taong 2035. Sa Pilipinas ang energy demand ay lumalago ng 5% sa bawat taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |