Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hold departure orders ipinalabas laban kina Senador Enrile at Revilla at mga kapwa akusado

(GMT+08:00) 2014-06-17 18:34:53       CRI

Mas matataas na multa ang naghihintay sa mga lalabag sa batas

TINIYAK ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mas mataas ang magiging mula sa mga pampasaherong sasakyang walang prangkisa. Magaganap ito sa ilalim ng Joint Administration Order 2014-01 (JAO) na inilabas kasama ang Land Transportation Office at sinangayunan ng Department of Transportation and Communications.

Magsisimula ang bagong kalakaran sa Huwebes, ika-19 ng Hunyo. Inilabas din ng LTFRB ang Memorandum Circulars upang liwanagin ang pagpapatupad ng JAO sa mga out-of-line violations at mga truck na ipina-aarkila.

Sapagkat pag-aaralan ng LTFRB ang rationalization ng authorized routes, suspendidno ng may 120 araw ang pagpapatupad ng mas mataas na multa at iba pang penalties sa out-of-line units.

Idinagdag ni LTFRB Chairman Winston Ginez na inutusan sila ni Kalihim Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na kailangang magkaroon ng re-evaluation ng mga ruta ng bus.

Sang-ayon sa Memorandum Circular, ang mga colorum na truck for hire, ang mga may puting plaka, sa oras na magsumite ng franchise application, ay mabibigyan ng Provisional Authority na may bisa ng 120 araw.

Saklaw ng kautusan ang mga Public-Utility-Vehicle-related violations tulad ng pagtanggi sa pasahero sa kanilang patutunguhan, malabis na paniningil, pagkakaroon ng mga walang modong mga tsuper, pagpapatakbo ng mga sasakyang pangpubliko na wala sa maayos na kalagayan, paggamit ng mga depektibong metro at biglang pagpapababa ng mga pasahero upang makabalik kaagad sa pinagmulan.

Sa pagkakabisa ng JAO sa ika-19 ng Hunyo, ang colorum bus operators ay pagmumultahin ng P 1 milyon samantalang ang truck at van operators ay magmumula ng P 200,000, sedan operators, P 120,000, may may-ari ng pampasaherong jeepney, P 50,000 samantalang ang mga nasa tricycle business ay magmumulta ng P 6,000.

1 2 3 4 5 6 7 8 9
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>