|
||||||||
|
||
Target ng Kagawaran ng Pagsasaka na matamo ang 10 metriko tonelada sa bawat ektarya sa halagang P 5.00 bawat kilo
PAGBABAWAS NG PRODUCTION COST, LAYUNIN NG KAGAWARAN NG PAGSASAKA. Ipinaliwanag ni Kalihim Proceso J. Alcala na layunin ng kanyang kagawarang mabawasan ang halaga ng pagtatanim ng palay upang lumaki ang kita ng mga magsasaka. Magagawa ito sa pamamagitan ng farm mechanization at maayos na pautang. (Melo M. Acuna)
NILIWANAG ni Kalihim Proceso J. Alcala na matamo ng bansa ang 10 metriko tonelada sa bawat ektarya sa halagang P 5.00 bawat kilo.
Sa isang exclusive interview, sinabi ni Kalihim Alcala na layunin nilang mapalago ang produksyon at mapababa ang gastos sa bawat kilo ng palay. Mahalaga umanong mapalaki ang salaping matitira sa mga magsasaka.
May pagsusuri umanong ginawa ang kanyang tanggapan at mayroong nagka walong metriko tonelada na ang halaga ay malapit na sa P5.00 sa bawat kilo. Nabatid ng Kagawaran ng Pagsasaka ang production costs sa Tsina, India, Vietnam at Thailand.
Ani Kalihim Alcala, halos P 10.00 bawat kilo ang cost of production sa Tsina, samantalang P 8.40 sa Thailand samantalang ang Vietnam ay mayroong P 5.60 sa bawat kilo na malayo sa production cost ng Pilipinas.
Ipinaliwanag niyang mahal ang production cost sa Pilipinas dahilan sa labor costs, kahit mura ang kabayaran sa mga manggagawa, mano-mano naman kaya't ang solusyon ay farm mechanization.
Mahal din ang halaga ng pera sa Pilipinas kaya't ang mga magsasaka ay natutungo sa mga usurer o 5-6 kaya't kailangang magtulungan ang mga nasa Kagawaran ng Pagsasaka at Land Bank of the Philippines upang magkaroon ng access ang mga magsasaka.
Ito umano ang nais niyang mapatotohanan sa madaling panahon, ang mapababa ang halaga ng produksyon sa palay.
Idinagdag pa ni Kalihim Alcala na wala namang masama sa pangangarap. Tiniyak din niyang magkakaroon ng field testing ang kanilang panukalang programa na 10-5.
Sa pagwawagi ng bansa sa negosasyon sa extension ng quantitative restriction, ani Kalihim Alcala, isang temporary victory lamang ito sapagkat kailangang makapaghanda ang mga magsasaka upang makipagsabayan sa kapwa magsasaka sa iba't ibang bahagi ng daigdig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |