|
||||||||
|
||
Pagdalaw ng Santo Papa sa Pilipinas, wala pang katiyakan
SINABI ni Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose na wala pang tiyak na petsa ang pagdalaw ni Pope Francis sa buwan ng Enero.
Sa isang briefing sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, sinabi ng tagapagsalita ng tanggapan na nagkaroon na ng pulong sa Apostolic Nunciature na ipinatawag ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Guiseppe Pinto. Subalit wala pang itinakdang petsa ng pagdalaw sa Pilipinas.
Sa panig ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, sinabi ni Fr. Marvin Mejia, Secretary General ng kapulungan na naghihintay sila ng opisyal na pahayag mula sa Vatican City.
Ipinaliwanag niyang mayroong protocol na sinusunod ang Vatican sa paglalahad ng mga pagdalaw ng Santo Papa sa iba't ibang bansa. May darating na kinatawan ang Vatican sa Pilipinas sa susunod na buwan upang makausap ang mga pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines hinggil sa napipintong pagdalaw ni Pope Francis.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |