Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Para sa Simbahan, isang malaking hamon ang K-12

(GMT+08:00) 2014-06-27 19:13:55       CRI

SPECIAL REPORT

Pilipinas at Tsina, may pagkakataong mag-usap

APEC, MAGANDANG OKASYON UPANG MAG-USAP ANG PILIPINAS AT TSINA. Ito ang paniniwala ni Dr. Francis Chua, Director ng Philippine Stock Exchange at dating pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chambers sof Commerce and Industry, Inc. at Philippine Chamber of Commerce and Industry. Walang masama kung mauupo at mag-uusap sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Pangulong Xi Jinping, dagdag pa ni Dr. Chua. Idaraos ang APEC sa Beijing sa ika-10 hanggang ika-11 ng Nobyembre ng taong ito. (Melo M. Acuna)

SA likod ng mga maaanghang na kataga mula sa magkabilang-panig, may pagkakataon ang Pilipinas at Tsina na magkadaupang-palad ngayong 2014 at sa susunod na taon.

Ito ang binigyang-diin ni Dr. Francis Chua, director ng Philippine Stock Exchange at dating pangulo ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry at Philippine Chamber of Commerce and Industry sa isang exclusive interview.

Sinabi ni Dr. Chua na sa pananaw ng iba ay halos nawala na ang magandang relasyon ng Pilipinas at Tsina dahilan sa mga isyung bumabalot sa South China Sea. Yumaman na ang Tsina at nadarama na ang paglago ng ekonomiya at sandatahang lakas nito. Naganap ang pagbabagong ito mga 20 hanggang 30 taon pa lamang ang nakalilipas. Magpapatunay nito na hindi Tsina at Pilipinas ang mayroong mas maraming kinalalagyang mga pulo sa South China Sea at ito ay ang bansang Vietnam.

May rason ang Pilipinas at Tsina. Iginigiit ng Tsina na pag-aari nila ang mga pulo sa karagatan at ito rin ang pananaw ng Pilipinas. Ang pinakamagandang paraan, ayon kay Dr. Chua ay ang pag-uusap ng dalawang bansa na hindi na kailangang humantong pa sa sagupaan at digmaan. Mas maganda umanong magkaroon ng joint development sa mga likas na yamang nasa karagatan.

Inihalimbawa niya ang pagkakaroon ng 70 – 30 na hatian. Kung anuman ang matatamo sa mga kapuluan sa karagatan ay nararapat hatiin ng 70% sa Pilipinas at 30% sa Tsina sapagkat higit na mayaman ang bansang Tsina kaysa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Chua, magaganap ito sapagkat mananatili ang paggalang sa bawat isa o pagpapanatili ng "mutual respect." Libu-libong taon na ang naging sandigan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Samantalang may magandang people-to-people relations sa pagitan ng dalawang bansa, kailangang mag-usap sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng Pilipinas at Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Magaganap ang APEC Economic Leaders Meeting mula ika-10 hanggang ika-11 ng Nobyembre.

Idinagdag pa ni Dr. Chua na magaganap din ang APEC Leaders Meeting sa Pilipinas sa susunod na taon kaya't mahalagang mga pagkakataon ito upang mapaunlad ang relasyong namamagitan sa dalawang bansa.

Sa isinagawang panayam, sinabi ni Dr. Chua na mananatili ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahilan sa magandang economic fundamentals at mga may kakayahang economic managers.

Ngayong taon, maraming na ring mga banyagang panauhing dumalaw sa Pilipinas. Sumabay din ang mga investors at nakita na rin ang magandang kalakaran sa Bureau of Customs.

Kailangan lamang daluhan ang mga ikinababahala ng mga mangangalakal na nagnanais magnegosyo sa Pilipinas tulad ng mahal ng singil sa tubig at kuryente at maging telekomunikasyon.

Hindi nakailangang makipagkumptensya ng Pilipinas sa Cambodia at iba pang mga bansa. Nauunawaan ni Dr. Chua na iba ang kalakaran sa mga bansang tulad ng Cambodia sapagkat nais nilang makatawag-pansin ng mga mangangalakal. Sa Pilipinas, ayon kay Dr. Chua, matatag na ang ekonomiya at kita na ang magandang growth rate. Mayroon mataas na pamantayan ang Pilipinas kaya't hindi na kailangang ibaba ito upang makakuha ng mga mangangalakal.

Kahit walang mga bagong foreign investments, lutang ang ekonomiya sapagkat tuloy ang padala ng Overseas Filipino Workers o OFWs na hindi bumababa sa US$ 2 bilyon sa bawat buwan. Maliwanag umanong US$ 24 bilyon ang nakararating sa Pilipinas. Ani Dr. Chua, ang halagang US$ 24 bilyon ay salaping dumadaan lamang sa mga bangko at 'di pa kasama ang mga padala at pakisuyong salapi sa mga kaibigan at kamag-anak.

Ito rin, ani Dr. Chua, ang naging haligi ng kaunlaran sa ekonomiya ng Tsina. Nagsimula ang kaunlaran sa salaping padala ng mga overseas Chinese. Hindi lamang salapi ang kanilang ipinadala kungdi mga kagamitan at teknolohiya.

May 50% ng mga investments sa Tsina ay pawang mula sa overseas Chinese. Sa dami umano ng mga manggagawang Filipino sa halos buong daigdig, tiyal na uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>