|
||||||||
|
||
Pilipinas, tagumpay sa negosasyon
QUANTITATIVE RESTRICTIONS NAGKAROON NG EXTENSION. Tatagal ang quantitative restrictions sa bigas hanggang 2017. Ito, ani Undersecretary Segfred R. Serrano ng Kagawaran ng Pagsasaka ay upang maiwasan ang sobrang pag-aangkat ng mga nasa apribadong sektor at maihanda ang mga magsasaka sa kompetisyon sa mga susunod na panahon. Umaasa ang Pilipinas na magkakaroon ng madaling pagpasa sa general council meeting ng World Trade Organization sa ika-24 ng Hulyo ang kahilingan ng Pilipinas. (Melo M. Acuna)
NAGTAGUMPAY ang Pilipinas sa pakikipagusap sa Committee on Trade and Goods upang magkaroon ng extension sa larangan ng quantitative restrictions para sa supply ng bigas.
Sa isang press briefing, sinabi ni Agriculture Undersecretary Segfredo R. Serrano na nagtagumpay ang Pilipinas sa negosasyon noong nakalipas na Huwebes, ika-19 ng Hunyo. Ang extension na natamo ay magtatagal ng hanggang taong 2017.
Isang hakbang din ito upang maiwasan ang sobrang pag-aangkat ng ilang mga nagmumula sa pribadong sektor. Ang nakabimbing application sa extension ng rice quantitative restrictions ay isang paraan upang matiyak ang food security at mabigyan ng proteksyon ang mga magsasaka sa kanilang paghahanda sa pandaigdigang kompetisyon.
Siyam na bansa ang kinausap ng Pilipinas tulad ng Estados Unidos, Canada, Australia at Thailand. Nakatulong umano ang Estados Unidos bago pa man dumalaw si Pangulong Barack Obama sa Pilipinas. Nai-anunsyo ang suporta ng America sa waiver request na dagdagan ang quantitative restrictions.
Pag-uusapan ito sa plenaryo ng World Trade Organization sa darating na ika-24 ng Hulyo at umaasa ang Pilipinas na walang anumang magiging balakid sa natamong tagumpay ng bansa.
Ipinaliwanag pa ni Undersecretary Serrano na sa general council meeting, maisasalang ang waiver request at babasbasan ito ng finality upang pakinabangan ang nilalaman nito.
Ang minimum access volume ng Pilipinas ay mula sa 300,000 metriko tonelada at magiging 805,200 metriko tonelada. Idinagdag pa ni Dr. Serrano na hindi naman nangangahulugang puersahang bibilhin ng Pilipinas ang nakalaang bilang o dami ng bigas.
Makukuha ang bigas sa oras na mangailangan ang Pilipinas sa Australia, 15,000 MT, Tsina, 50,000 MT, El Salvador, 4,000 MT, India at Pakistan, tig-50,000 MT bawat isa, Thailand at Vietnam mayroong tig-293,100 MT at ang pandaigdigang quota ay 50,000 metriko tonelada.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |