|
||||||||
|
||
20140722Meloreport.mp3
|
MGA kabataang pinamunuan ng Youth Act Now ang nagdala ng isa pang impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino sa Kongreso. Inendorso naman ito Kabataan PartylIst Congressman Terry Ridon.
Inakusahan nila si Pangulong Aquino ng pagtataksil sa pagtitiwala ng taongbayan at paglabag sa Saligang Batas sa pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program o DAP. Ito rin ang mga reklamo ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan at 27 iba pang mga nagreklamo kahapon sa unang impeachment complaint.
May 23 pahina ang reklamo at nilagdaan ng 25 youth at student leaders. Dinala ang reklamo kay House Secretary General Marilyn Barua-Yap.
Bukod sa unang reklamo, sinabi ng mga kabataan na nagkaroon ng attempted corruption ng public officials sa paglalaan ng pondo mula sa DAP patungo sa mga mambabatas matapos ang pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona noong 2012. Nagsabi ang mga kabataan na mayroong 116 counts ng technical malversation sa pagpapasa at pagpapatupad ng 116 na proyektong ginastusan ng DAP.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |