|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino at MILF Chairman Ebrahim, magpupulong
MAGKIKITA sina Pangulong Aquino at MILF Chairman Murad Ebrahim sa mga susunod na araw upang pag-usapan ang panikalang Bangsamoro Basic Law na umano'y pinalalabnaw ng Malacanang.
Sa kanilang pahayag na lumabas sa kanilang website kahapon, ang high-level meeting ay magaganap upang mailigtas ang peace process dahilan sa mga pagbabagong ginawa ng Malacanang legal team sa panukalang Bangsamoro Basic Law.
Magugunitang nagkita sina Pangulong Aquino at ang liderato ng MILF sa Japan upang isulong ang peace process. Nasundan ito ng negosasyon na nauwi sa paglagda sa comprehensive peace agreement noong Marso. Kabilang sa napagkasunduan ang wealth-sharing at power-sharing ng magkabilang panig na layuning matapos ang 'di pagkakaunawaan sa nakalipas na ilang dekada.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |