|
||||||||
|
||
LTFRB, binigyan ng special permit ang may 12,500 bus para sa INC
INILABAS na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang special permits sa mat 12,500 bus sa buong bansa na sasakyan ng tinatayang isang milyong mga kasapi ng Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang ng kanilang ika-isang daang taon sa Linggo, ika-27 ng Hulyo.
Gagawin ang pagdiriwang sa Philippine Arena na sinasabing pinakamalaking domed facility sa daigdig sa Bocaue, Bulacan.
Tuloy na ang paghahanda ng iba't ibang dibisyon ng Iglesia ni Cristo sa buong bansa sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga masasakyan tungo sa pagdiriwang.
Ayon kay Atty. Winston Ginez may ilang mga kumpanya ng bus na nagtataas ng kanilang singil upang kumita mula sa okasyon. Hindi nila umano papayagan ang gawing ito, dagdag pa ng pinuno ng LTFRB.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |