|
||||||||
|
||
Mga palsipikadong gamot, nasamsam
NABUNYAG ang illegal na operasyon ng isang sindikatong sangkot sa pagbebenta ng mga palsipikadong gamot kamakailan.
Ayon sa mga opisyal ng MSD, sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group at isang Court Sherri fang Mark Ericson at Ferma Drug sa Isabela at Ellebasy Drug sa Cainta kamakaialan na pinaghihinalaang nanggangamit ng mga may patent na Etoricoxib drug. Nasamsam ng koponan ang mga kahon-kahong Torico at Xibra sa serye ng mga pagsalakay. Nagkakalahaga ang nasamsam na gamot ng P 15 milyon.
Nagmula ang usapin sa kasong patent infringement ng MSD, ang developer at distributor ng Etorocixib sa Pilipinas.
Gawa ito ng Merck & Company sa America at Canada at mayroong kaukulang Philippine Patent na may bisa hanggang 2022. Ang paggagawa, paggamit at pag-aalok ng magbili at pag-angkat ng isang patented drug o produktong nakuha ng direkta o sa ibang paraan mula sa patented process o paggamit ng patented process ng walang permiso ng may-ari ng patent ay maituturing na patent infringement na maparurusahan sa ilalim ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philipines.
Inilabas ni Judge Lyliha Abella-Aquino ng Manila Regional Trial Court Branch 24 ang search and seizure. Nahaharap na sa usapin ang mga may-ari ng parmasya sa Isabela at Rizal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |