|
||||||||
|
||
May 10,000 mga pulis, ikakalat sa SoNA
MAGLALABAS ang Philippine National Police ng may 10,000 mga tauhan upang mapangalagaan ang kapayapaan sa ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Aquino sa Lunes, ika-28 ng Hulyo.
Ayon kay PNP-National Capital Region Director Carmelo Valmoria, ang mga tauhan ng Super Task Force Kapayapaan 2014, ay makikipagtulungan sa iba't ibang tanggapan ng pulisya upang matiyak ang paghahanda sa larangan ng seguridad sa okasyon.
Mayroong apat na task forces tulad ng Anti-Criminality na magsasawa ng law enforcement operations at pagpapanatili ng kapayapaan, Task Force Antabay na titiyak na madaliang pagtugon sa anumang pangangailangan, Task Force Rimland na magkakalat ng security personnel, civil disturbance management, traffic management at control at iba pang public safety services sa buong Metro Manila. Mayroon ding Task Force Reserve na magpapakalat ng mga tauhan ng Regional Headquarters Reserve Force kung kakailanganin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |